top of page

Kapalaran sa Maynila: A movie blog about a man who struggled in Manila

  • Writer: Angelika Espejo
    Angelika Espejo
  • Sep 16, 2020
  • 2 min read

Si Lino Brocka ang pinakamahusay na tagagawa ng pelikulang Pilipino kailanman. Noong taong 1997, nakatanggap si Brocka ng isang parangal na  National Artist of the Philippines dahil sa kanyang mga ambag sa pagpapaunlad ng sining ng Pilipinas, isang karapat-dapat na parangal, isang kilalang tagumpay na tumayo bilang kanyang tunay na magandang obra, isang matapang na alegaturang drama-- Maynila sa kuko ng liwanag.

Ang Maynila ay kwento ng isang batang probinsyano na nagngangalang Julio Madiaga (Bembol Roco) na nagtungo sa lungsod upang hanapin ang lumisan at nawawala niyang pagmamahal, si Ligaya Paraiso (Hilda Koronel). 


Noong nakarating siya sa Maynila ay napakaraming pakikipagsapalaran sa lungsod ang kaniyang natamo. Hinalugudgod niya ang Maynila upang mahanap niya si Ligaya, na pinangangalagaan ng isang Tsino, si Ah Tek (Tommy Yap). Sa araw na nakita ni Julio si Ligaya ay ikinuwento ni Ligaya ang kaniyang naging kapalaran simula nang umapak siya sa Maynila. Pinagplanuhan nila ang ang pag takas ni Ligaya ngunit sa kasamaang palad, binawian ng buhay si Ligaya sapagkat nahuli ni Ah Tek ang pag takas nito. Nalaman ni Julio ang pagkamatay ni Ligaya kaya’t dali dali itong pumunta sa bahay kung saan nakatira si Ah Tek. Hindi nakapgpigil si Julio na kunin din ang buhay ni Ah Tek, hinabol nang hinabol si Julio ng taumbayan, ngunit bago pa man makuyod ng mga tao si Julio ay inunahan na niyang kitilin ang kaniyang buhay.


Ang mga mangmang ay walang lugar sa mundo kung saan ang tanging ruta sa labas ng pang-aapi ay ang maging isang mang-aapi. Ang patuloy na pamumuhay sa ilalim ng isang diktatoryal na rehimen ay sadyang nakakapuno ng takot at kawalang-kasiyahan. Makikita sa Maynila sa kuko ng mga Liwanag ang tahimik ngunit nagngangalit, nagagalit, at puno ng apoy ang isang tao nang matagpuan niya na ang mundo ay tila tinanggihan at inalisan siya ng mga pangarap, at ang kanyang pag-asa'y tila naging isang abo.




Ang kinang ng Maynila sa kuko ng mga Liwanag ay namamalagi sa maraming tensyon. Ang mga kuha ni De Leon ay nagbukas sa mga mata upang makita ang tunay na estado ng lungsod . Ang kanyang mga kakaibang anggulo ay nakatulong upang mabigyangdiin ang lawak, kasikipan, at ang kakila-kilabot na transaksyon na nangyayari na hanggang ngayon ay tunay nanangyayari pa rin. Nakadagdag din ang mga musika sa tensyon na kung saan ginamitan ng masasaya at malulungkot na tunog upang mailabas pa nang mabuti ang emosyon at maipadala sa mga manonood. Mayroong isang pag-igting sa loob ng pananaw ni Julio, sa pagitan ng pagiging panlabas at panloob. Sapagkat si Julio ay nakakaramdam ng gutom, pagod, takot, at pag-asa, ang  kakaibang kagandanhan ng Maynila na kung saan lahat ay mabibighani ngunit may itinatago pala itong dilim. 


MGA PARANGAL:

FAMAS AWARDS 1976

Best Picture

Best Cinematography

Best Screenplay

Best Actor (Bembol Roco)

Best Supporting Actor (Tommy Abuel)

Best Director (Lino Brocka)

FARO ISLAND FILM FESTIVAL (1975)

Nominee for Golden Moon Award

FOCAL INTERNATIONAL AWARDS (2014)

Best Archive Restoration/Preservation Title

GAWAD URIAN AWARD (1981)

Best Film of the Decade



Rating: 10/10


MAYNILA, SA MGA KUKO NG LIWANAG (MANILA IN THE CLAWS OF LIGHT) [1975] Restored Version - Trailer : https://www.youtube.com/watch?v=DpCCHbWEDz4&t=8s




Comments


COntact us

Thanks for submitting!

  • Grey Twitter Icon
  • Grey Instagram Icon
  • Grey Facebook Icon

© 2023 by The New Frontier. Proudly created with Wix.com

bottom of page